Suportado ni Senator Koko Pimentel ang plano ng Pangulong Rodrigo Duterte na bumuo ng panibagong peace panel na makikipagdayalogo sa Communist Party Of The Philippines o CPP.
Ang panibagong hakbang ay iniaanunsyo ni Pangulong Duterte nitong sabado kasunod ng naging pahayag niya noong March 21 na pagtuldok sa usapang pangkapayapaan sa komunistang grupo.
Para kay pimentel,magandang idea ang balak ni Pangulong Duterte na lumikha ng panibagong panel na kabibilangan ng dalawang sibilyan at tatlong military officials.
Katwiran ni Pimentel , tayong mga pilipino ay dapat palaging bukas sa pakikipag-usap sa layuning makamit ang pangmatagalang kapayapaan para sa lahat.
Facebook Comments