Isang senador, pinayuhan si suspended BuCor Chief Gerald Bantag na harapin ang kaso nito

Hinamon ni Public Order and Dangerous Drugs Chairman Senator Ronald Bato dela Rosa si suspended Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag na harapin ang kaso nito sa pagpaslang sa radio broadcaster na si Percy Lapid.

Matatandaang noong Lunes ay sinampahan na ng murder case ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) sina Bantag, Senior Superintendent Ricardo Zulueta at apat na Persons Deprived of Liberty (PDLs) dahil sa pagpatay sa mamamahayag.

Payo ni Dela Rosa kay Bantag, “face the music” o harapin niya ang kaso lalo na kung sa paniniwala nito ay wala siyang kinalaman sa krimen.


Aniya pa, kung talagang inosente si Bantag ay tiyak naman mapapawalang-bisa ang kaso nito.

Matatandaang tahasang sinabi ni Bantag na mas pipiliin niyang mamatay na lang siya sa halip na makulong sa bilibid dahil alam niya ang mangyayari sa kaniya roon.

Dagdag pa ni Dela Rosa, mahirap hamunin ang estado at dapat na panindigan niya ang kaniyang salita at magpakalalaki sa sinabi na lalaban siya hanggang sa kamatayan.

Facebook Comments