Umaasa si Senator Koko Pimentel na kayang maresolba ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkawala ng 34 na mga sabungero na konektado umano sa online o E-sabong.
Tugon ito ni Pimentel sa mungkahi na mula sa PNP at ilipat sa ibang ahensya ang imbestigasyon sa pagkawala ng mga sabungero.
Ito ay makaraang lumabas sa pagdinig sa Senado na may mga pulis umano na sangkot sa insidente.
Ayon kay Pimentel, wala namang perpektong krimen at tiyak na mareresolba ng mga otoridad ang sampung kaso ng pagdukot sa mga sabungero.
Kung sasablay ang pinagsanib na pwersa ng PNP at NBI na maresolba ang nabanggit na mga krimen, ito ay nakabatay sa kanilang kakayahan at dedikasyon sa tungkulin.
Facebook Comments