Isang senador, umaasang aaksyunan agad ng gobyerno ang pagkawala ng trabaho ng milyun-milyong mga Pilipino dahil sa COVID crisis

Umaapela si Senator Christopher Bong Go sa Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI) at iba pang kinauukulang ahensya.

Ito ay para gumawa ng mga paraan kung paano matutulungan ang milyun-milyong Pilipinong nawalan ng trabaho makaraang magsara ang maraming negosyo dahil sa COVID-19 pandemic.

Base sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), may 7.3 milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho ngayong panahon ng pandemya.


Giit ni Go, kailangang kumilos ang pamahalaan dahil tiyak na makakaapekto sa ating ekonomiya ang tumataas na unemployment rate.

Ayon kay Go, dapat paghusayin ngayon ang mga nakalatag nang programa na makakatulong sa mga nawalan ng trabaho tulad ng Balik Probinsya Program na tutulong sa mga ito na makauwi sa probinsya at makapagsimuka ng mas maayos na buhay.

Binanggit din ni Go ang tulong pang hanapbuhay sa ating Disadvantaged or Displaced Workers Program and Government Internship Program ng DOLE gyaundin ang Special Program for Employment of Students, at Tulay 2000 Program para sa may mga kapansanan.

Tinukoy naman ni Go na ang DTI ay mayroon ng inilatag na financial assistance para sa mga maliliit na negosyo at livelihood program sa mga barangay.

Facebook Comments