Isang senador, umaasang hindi mapapatigil sa volunteerism ang pag-aresto kay dating Senator Jinggoy

Umaasa si Senator Panfilo “Ping” Lacson na ang volunteerism o boluntaryong pagtulong ngayong may COVID-19 pandemic ay hindi maaapektuhan ng pag-aresto kay dating Senator Jinggoy Estrada.

Pahayag ito ni Lacson makaraang damputin ng mga otoridad si Estrada kahapon habang namimigay ng bangus sa mga taga-San Juan.

Basehan daw ng pag-aresto ang umano’y paglabag sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) rules dahil wala itong mayors permit at hindi nag-observe ng physical distancing.


Pinakawalan naman agad si Estrada ng pulisya matapos pagsabihan na huwag nang uulitin ang ginawang mga paglabag.

Sabi ni Lacson, ngayong panahon ng krisis ay mayroon talagang mga tao na gustong magbigay ng tulong sa mga nangangailangan.

Para kay Lacson, anuman ang kanilang motibo, ang mahalaga ay ang naibibigay nilang tulong.

Facebook Comments