Isang senador, umaasang makakasuhan pa rin ang mga sangkot sa Pharmally controversy

Umaasa si Senate Minority Leader Franklin Drilon na kakasuhan ng kaukulang ahensya ng gobyerno, ang mga sangkot sa kontroberyal na transaksyon ng gobyerno sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Sinabi ito ni Drilon kahit hindi naihain sa plenaryo ng Senado ang draft report ng Senate Blue Ribbon Committee, ukol sa Pharmally controversy dahil sa kakulangan ng lagda ng mga senador.

Diin ni Drilon, maliwanag sa mga pagdinig ng Senado na maraming nangyaring anumalya kaya kailangang kasuhan ang mga sangkot upang hindi na ito maulit.


Magugunitang sa pagdinig Senado ay pinuna ng mga senador ang posibleng overpricing, hindi pagbabayad ng tamang buwis, palakasan at ghost deliveries ng mga pandemic supplies na binili ng pamahalaan.

Facebook Comments