Isang senador, umaasang pipirmahan ni Pangulong Duterte ang Anti Endo Bill bago ang SONA

170

Umaasa si Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva na maisasama sa State Of The Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naipasang Security Of Tenure Bill o Anti Endo Bill.

 

Ayon kay Villanueva, sana ay mapirmahan na ng pangulo ang Anti-Endo Bill bago ang SONA sa Lunes.


 

Nanindigan si Villanueva na ang Anti Endo Bill ay para sa kapakanan ng mga employers at manggagawa dahil patas at balanse ito sa interes ng magkabilang panig.

 

Paliwanag pa ni Villanueva, tugon ito sa itinatakda ng konstitusyon na pahalagahan ang karapatan ng mga manggawa habang kinikilala ang karapatan ng mga negosyante at pangangailangan na mabawi ang kanilang puhunan.

Facebook Comments

From Advertisers