Isang senador, umaasang sisiguraduhin ni PRRD na makakasuhan si Albayalde

Manila, Philippines – Sa tingin ni Senator Richard Gordon, magiging national disappointment kapag hindi nakasuhan si dating PNP Chief Oscar Albayalde at ang mga dating tauhan nito na umano’y sangkot sa drug recycling.

Dahil dito, ay hinikayat ni Gordon si Pangulong Rodrigo Duterte na tiyaking masasampahan ng kaso si Albayalde at ang mga ninja cops.

Ayon kay Gordon, pwedeng utusan ng Pangulo ang Department of Justice (DOJ) para sa paghahain ng kaso laban kina Albayalde.


Sabi ni Gordon, maaring magalit na naman sa kanya si Pangulong Duterte pero dapat aniya ay ipakita ng Pangulo na wala itong kinikilingan at handang tagpasin ang leeg ng sinumang nagloloko sa pamanalaan.

Facebook Comments