Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Leila De Lima, sa mga otoridad na lubayan na ang pagtugis kina dating Police Colonel Eduardo Acierto at kay alyas Bikoy at sa mga nasa likod ng Bikoy videos.
Para kay De Lima, ang pangunahin at mahalagang gawin ngayon ng mga kinauukulan ay ang alamin kung totoo ang mga ibinunyag nina Acierto at Bikoy.
Tinukoy ni De Lima ang mga alegasyon na sangkot umano sa ilegal drug trade ang ilang miyembro ng pamilya Duterte at ilang personalidad na malapit sa Pangulo.
Diin ni De Lima, ang nabanggit na mga impormasyon mula kina Acierto at Bikoy ang dapat tutukan ng Department of Justice (DOJ), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Facebook Comments