MANILA – Umapela si Committee on Electoral Reforms Chairman Senator Koko Pimentel sa Commission on Elections (COMELEC) na irekonsidera ang desisyon nitong huwag magbigay ng resibo sa election sa isinagawang pagdinig ng joint congressional oversight committee on automated elections system ay sinabi ni pimentel na bakit kqilangang ipagkait ng COMELEC ang bagong features na Vote Counting Machines na makapagisyu ng resibo at maipakita sa mga botante kung ang nabasa ba nito ay ang mga kandidto na kanilang pinili sa balota.Dagdag pa ni Pimentel, kayang gawan ng solusyon ng COMELEC ang kanilang ikinatatakoy na magamit sa vote buying ang pagiisyu ng resibo.Ayon kay Pimentel, nasa Automated Election Law din ang pagbibigay ng resibo sa mga botante.
Facebook Comments