Isang senador, umapela sa mamamayan na protektahan ang pagiging sagrado ng kanilang boto

Ngayong papalapit na ang araw ng botohan ay nananawagan si Senator Christopher “Bong” Go sa mamamayan na protektahan ang pagiging sagrdo ng kanilang mga boto.

Payo ni Go huwag magpapasindak at sundin ang konsesnya sa pagboto.

Hiling ni Go sa mga botante huwag magpapadala sa mga pananakot at panunuhol para lang iboto ang mga lider na hindi naman natin gusto at hindi kumakatawan sa interes ng higit na nakararami.


Diin ni Go, dapat nating tiyakin na sariling desisyon natin kung sino ang gusto nating iboto na sa palagay natin ay karapat-dapat sa posisyong kanilang tinatakbuhan.

Apela ni Go sa lahat, maging mapagmatyag hanggang sa mismong araw ng halalan at tumulong na maging patas at tahimik ang halalan upang matiyak na ang magiging resulta ng eleksyon ay tunay na kumakatawan sa kagustuhan ng sambayanang Pilipino.

Facebook Comments