Isang senador, umapela sa mga oil companies at mga negosyante na ikonsidera ang paghihirap ng mamamayan sa pagtatakda ng presyo ng kanilang produkto

Iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga kompanya ng langis at sa mga negosyante na huwag samantalahin ang walang patid na pagtaas ng presyo produktong petrolyo.

Diin ni Go, mali na basta-basta na lang magtaas ang mga ito ng presyo ng kanilang mga produkto para kumita ng malaki pero hindi makatwiran.

Ayon kay Go, ngayon ang panahon na dapat walang nananamantala dahil naghihirap pa tayo bunga ng krisis na inihatid ng COVID-19 pandemic at nasabayan pa ng problema sa presyo ng langis.


Kaya pakiusap ni Go sa mga oil companies, balansehin ang kita at ang paghihirap ng ating bayan dahil malaking tulong sakaling maaring ibaba ng mga ito ang kanilang presyo.

Facebook Comments