MANILA – Walang nakikitang sapat na rason si Senate Majority leader Alan Peter Cayetano para pagbabarilin ang mga magsasaka na nagprotesta sa Kidapawan City na humihiling lamang na tulungan sila mg gobyerno mula sa nakapanlulumong tagtuyot.Diin ni Cayetano hindi katanggap-tanggap ang madugong dispersal sa mga nagprotestang magsasaka kung saan apat ang nasawi at napakaraming nasugatan.Diin ni Cayetano, dapat mabigyan ng hustisya ang mga magsasakang naging biktima.Binanggit pa ni Cayetano na palaging binabanatan ang kanyang katandem na si davao city mayor rodrigo duterte na pumapatay ng mga kriminal, pero yun pala ay mga magsasaka ang aniyay pinapatay ng mga ito.Ayon kay Cayetano, sakaling sila ni Duterte ang magwagi sa eleksyon ay matapang na solusyon ang ikakasa nila para tugunan ang sitwasyon ng mga magsasaka.Kabilang aniya dito ang 100% libreng irigasyon, pagtaas sa budget subsidy para sa production inputs at P1 bilyon kada rehiyon para sa capital-lending scheme para sa mga magsasaka.
Isang Senador, Walang Nakikitan Rason Para Pagbabarilin Ang Mga Magsasaka
Facebook Comments