Isang Senador, walang nakikitang problema sa panukalang armasan ang mga civilian organization

Walang nakikitang problema si dating Philippine National Police (PNP) Chief, Senator Ronald Bato dela Rosa sa mungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte na armasan ang civilian organizations na kapartner ng pulisya sa paglaban sa krimen.

Kumbinsido si Dela Rosa na ang pag-aarmas sa isang ilang civilian organization ay makatutulong nang malaki sa gobyerno sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa bansa.

Dagdag pa ni Dela Rosa, wala ring magiging dagdag na gastos dito ang pamahalaan.


Ayon kay Dela Rosa ang dapat lang ay mahusay na mapangasiwaan o ma-supervise ang mga ito.

Facebook Comments