Isang senador, walang nakikitang rason para imbestigahan ang OCTA Research Group

Dumagdag si Senator Joel Villanueva sa mga pumupuna sa isinusulong ng ilang kongresista na pagiimbestiga sa OCTA Research Group na binubuo ng mga scientist, mathematicians, academicians at analysts.

Giit ni Villanueva, hindi akma para imbestigahan ang OCTA Research Group dahil regular na nag-iisyu ito ng projections kaugnay sa COVID-19 cases.

Diin ni Villanueva, sa halip na imbestigahan ay dapat hikayatin pa ang pagkakaroon ng dagdag na mga research group sa bansa.


Katwiran ni Villanueva na dapat may kalayaang makapaglabas ito ng research finding at methodologies.

Ipinaliwanag ni Villanueva na mahalaga na gawing available lahat ng data mayroon ang OCTA Research Group para mahikayat ang maraming researcher na ibahagi rin ang kanilang analysis.

Facebook Comments