Isang senior citizen, dumulog sa Korte Suprema para kuwestyunin ang restriction sa mga nakatatanda sa harap ng pandemic

Isang senior citizen ang naghain ng petisyon sa Korte Suprema.

Ito ay para hilingin na mag-isyu ng Temporary Restraining Order o TRO, o Writ of Preliminary Injuction laban sa aniya’y hindi makatarungang restriksyon sa mga nakatatanda sa panahon ng community quarantine dahil sa banta ng COVID-19.

Ang petitioner ay si Eugenio Insigne, isang abogado at retirado mula sa government service.


Aniya, walang legal na basehan o constitutional basis para i-quarantine ang mga nakatatanda.

Ayon kay Insigne, marami siyang nais gawin pa sa kanyang pagreretiro ngunit dahil sa COVID-19 pandemic ay nabago ang lahat.

Respondents sa petisyon ang Inter-Agency Task Force, sina Health Sec. Francisco Duque III, DILG Sec. Eduardo Año at iba pa.

Facebook Comments