Isa ang Urdaneta City sa kinumpirmang high risk sa Polio ayon sa Pangasinan Health Office.
Sa panayam ng IFM Dagupan kay Dra. Anna De Guzman, PHO Officer , isa ang siyudad ng Urdaneta sa mga lugar sa pangasinan na dinadaanan ng iba’t –ibang klase ng sasakyan na maaring makapagdala ng polio virus.
Sa ngayon inaalam pa ng ahensya ang ibang lugar na may high risk sa nasabing sakit.
Kaugnay nito patuloy na pinapaalalahanan ang mga Pangasinense na mag-ingat kasunod ng deklarasyon ng DOH kaugnay sa outbreak ng sakit na Polio.
Aniya upang mabawasan ang nasabing sakit kailangang magpakuna laban sa polio vitus, madalas na paghuhugas ng kamay, at tiyaking malinis ang iniinom na tubig maging ang kinakain.
Samantala, sa pagdiriwang World Polio Day sa darating na October 24 nakatakdang magsagawa ng mass immunization sa lalawigan ng Pangasinan.
Isang siyudad sa Pangasinan High Risk sa Polio
Facebook Comments