Kinumpirma ng tanggapan ni Supreme Court (SC) Associate Justice Amy Lazaro Javier na is sa mga staff nito ang nag-positibo sa COVID-19.
Ayon sa opisina ni Justice Javier, nagkaroon ng lagnat ang naturang staff mula March 12 hanggang March 18, 2020.
Huli itong nagreport sa trabaho noong March 12, 2020 at umalis sa opisina alas dose ng tanghali.
Nagsagawa na ng disinfection at sanitazion sa buong opisina ni Justice Javier, noon pang March 13, 2020.
March 19, nang magpa-COVID test ang naturang pasyante at nakumpirmang positibo ito sa naturang sakit noong March 24.
Agad ding nagsagawa ng contact tracing ang Supreme Court mula sa mga nakakasabay nito sa shuttle bus ng SC mula sa bahay papasok sa trabaho.
Wala namang travel history sa abroad ang naturang staff ng SC.
Ayon kay Supreme Court Spokesman Atty. Brian Hosaka, agad silang nakipag-ugnayan sa naturang pasyente at sa lahat ng court personnel na maaring nagkaroon ng contact dito.
Sa ngayon, nasa maayos naman anyang kundisyon ng mga nakasalamuha nito.