ISANG STREET LEVEL INDIVIDUAL, TIMBOG SA BUY-BUST

CAUAYAN CITY – Sa pakikipagtulungan ng PNP Isabela sa PDEA Region 2, naaresto ang isang Street Level Individual matapos ang buy-bust operation na isinagawa sa Purok 3, Brgy. Centro, Cabagan, Isabela.

Kinilala ang suspek na si alyas “Jake” at mula sa kanyang pag-iingat ay nakumpiska ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu, at buy-bust money na nagkakahalaga ng P500.00.

Sa ngayon ay nasa himipilan na ng Cabagan PS ang suspek para sa mga kaukulang dokumentasyon.


Samantala, mahaharap naman ito sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments