ISANG STUDENT ATHLETE SA VMUF ANG BINIGYANG PARANGAL SA KANYANG PAGKAPANALO SA PALARONG PAMBANSA 2023, KILALANIN

Binigyang parangal ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang Student Athlete sa VMUF San Carlos, City na si Renier Jay Ranges, incoming Grade 12 student na nakasungkit ng gold medal sa 100m dash at isang silver medal naman sa 200-meter dash sa Athletic Secondary Boys nito lamang naganap na Palarong Pambansa ngayong taong 2023 na naganap sa Marikina, Metro Manila.
Sa tulong rin ng kanyang proud coach at Sports Director Dante M. Camaso, nakuha ni Ranges sa100-meter dash sa 11.9 seconds lamang. Iba’t ibang mga unibersidad ang nakikilahok sa Palarong Pambansa taon-taon ngunit hindi nagpapatalo ang ating mga pambato sa Pangasinan dahil diplinado sila sa kanilang pagtitraining.
Suportado rin ng kanyang pamilya, kaibigan at kanyang mga schoolmates ang pagkakapanalo sa nasabing kompetisyon. Ang parangal na ito ay mahalaga upang mas makilala ng buong probinsya ang mga talentadong athletes at upang mas maengganyo rin ang mga kabataan ngayon na mas patibayin pa ang kanilang skills sa larangan ng sports. Congratulations idol mula rito sa IFM DAGUPAN! |ifmnews

Facebook Comments