Isang sub-leader ng Abu Sayyaf, naaresto sa Batangas

Naaresto ng pinagsamang pwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isang sub-leader ng terrorist group na Abu Sayyaf sa Batangas.

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Abu Assad” na sangkot di umano sa ilang pagdadakip at pag-atake sa Mindanao.

Si Assad ay hawak ng Abu Sayyaf leader na si Isnilon Hapilon na napatay sa isang operasyon sa Marawi City.


Napag-alaman na ito ay naninirahan sa Batangas na halos dalawang taon bago naaresto.

Sa ngayon, nakakulong na si Abu Assad sa NBI detention facility.

Facebook Comments