Isang sundalo, patay at 7 iba pa sugatan matapos tambangan ng armadong grupo sa Basilan noong Sabado

Tahasang kinokondena ng Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command (AFP-WESMINCOM) ang nangyaring pananambang kay Brgy. Ulitan, Ungkaya Pukan Basilan Vice Mayor Ahmadin Baharim maging sa tropa ng 64th Infantry Battalion at kapulisan na kasapi ng Joint Peace and Security Team nitong Sabado ng hapon.

Ayon kay Major Andrew Linao PIO ng AFP-WESMINCOM, nagsagawa nuon ng ocular inspeksyon para sa outreach program ang bise alkalde kasama ang tropa ng kapulisan at Alpha Company ng 64IB nang sila ay tambangan ng nasa 10 armadong kalalakihan.

Agad gumanti ang tropa ng pamahalaan na nagresulta sa 5 minutong bakbakan na ikinasawi ng isang sundalo at pagkasugat ng 7 iba pa.


Sinabi ni Major Linao na ang ginawa ng mga rebelde ay pagpapakita lamang nang kawalang respeto ng mga ito sa mga opisyal at pwersa ng pamahalaan kung kaya’t hindi sila makapapayag na maghari ang mga ito.

Aniya, tuloy ang hot pursuit operations ng AFP at PNP upang mapanagot ang mga nasa likod ng insidente at nangakong ipagkakaloob ang hustisya sa mga nasagutan at nasawi.

Facebook Comments