Patay ang isang off-duty na sundalo at kritikal ang kanyang kasamahan matapos pagbabarilin sa Sitio Sandakan, Barangay Dalumangcob, Sultan Kudarat.
Sa report ni Lt. Col. Julhamin Asdani, hepe ng pulisya ng Sultan Kudarat sa kampo krame, kinilala nito ang napatay na sundalo na si Staff Sgt. Darwin Alaba ng Army’s 1st Brigade Combat Team habang sugatan naman si Pfc. Erwin Villa.
Ayon kay Asdani, lulan ng motorsiko ang 2 sundalo patungong Cotabato City nang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan.
Sinabi pa nito na tila nakabuntot ang mga suspek sa mga biktima sa kahabaan ng highway hanggang sa mismong ambush site.
Sa ngayon, patuloy ang hot pursuit operation ng mga otoridad upang matukoy ang mga suspek.
Facebook Comments