Isang sundalo Patay, Isa sugatan sa Pananambang ng NPA sa bayan ng Jones, Isabela!

1221

Cauayan City, Isabela – Patuloy pa rin ang isinasagawang hot pursuit operation ng pinagsanib na pwersa ng 86th Infantry Batallion at PNP sa mga kasapi ng New People’s Army (NPA) kaugnay sa ginawang pananambang sa mga tauhan ng 86IB kaninang umaga sa Brgy. San Sebastian, Jones, Isabela.

Batay sa nakuhang report ng 98.5 RMN Cauayan, kaninang umaga habang patungo ang mga kasapi ng 86TH IB sa isang barangay upang inspeksyunin ang kanilang proyetko nang biglang tambangan ng mga kasapi ng NPA.


Agad na namatay ang isang sundalo habang sugatan ang isa ng sila ay paulanan ng bala ng mga NPA.

Batay sa report ng 86TH IB walang dalang baril at pawang nakasibilyan ang mga sundalo ng tambangan ng mga NPA.

Sa ngayon ay hindi pa ipinapalabas ang pangalan ng namatay at sugatan habang nakikipag-ugnayan ang mga sundalo sa mga kamag-anak ng mga biktima.

Facebook Comments

From Advertisers