Isang Sundalo, Sumuko sa PNP Matapos Makabangga ng Magsasaka sa Burgos, Isabela!

259

*Burgos, Isabela- *Kusang sumuko sa mga kasapi ng PNP Burgos, Isabela ang isang sundalo matapos makabangga ng isang magsasaka sa pambansang lansangan ng brgy. Raniag, Burgos, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Sgt. Jay Mango ng Service Support Battalion, 5th ID, PA at residente ng brgy Tocucan, Bontoc, Mt. Province habang ang biktima ay kinilalang si Rosalino Garasa, animnapu’t tatlong taong gulang at residente naman ng brgy Mabini, Gamu, Isabela.


Sa panayam ng RMN Cauayan kay PO2 Mark Paul Pascual, ang imbestigador ng PNP Burgos habang binabaybay ng biktima ang nasabing lansangan lulan ang kanyang bisekleta ay bigla na lamang nabangga ng sumusunod na sasakyan na minamaneho ni Sgt. Mango.

Nagtamo ng malalalim na sugat sa katawan ang biktima na agad namang dinala ng suspek sa pagamutan subalit idineklara din itong dead on arrival (DOA).

Matapos isailalim sa meical examination ang suspek ay napag-alaman na positibo ito sa alak.

Handa naman umanong makipag-ayos sa pamilya ng biktima ang suspek at nakatakdang mag-usap ang mga ito sa mga susunod na araw habang Inihahanda naman ng PNP ang kasong kakaharapin ni Mango.

Facebook Comments

From Advertisers