Isang suspek sa illegal na droga nahuli ng PDEA sa Surigao City

Isang suspek sa illegal na droga nahuli ng PDEA sa Surigao City Sa loob pa ng Room 310 sa Isang pensionne house sa Borromeo St, Surigao City nahuli ang isang Karl Pontevedra Balo alias “Jason”, 43 taong gulang at naninirahan sa Block 5, Lot 4, Canlanipa Homes dito sa lunsod. Nakuha mula sa isinagawang buy-bust operation ang isang selyadong transparent plastic ng pinaghihinalaang shabu kasama rin ang 5 sachet ng shabu, kabuuang 25 gramo ng illegal na droga o may market value na P250,000 ang nakumpiska. Sa ngayon ang nahuling suspek ay dinala ng mga personahe ng PDEA sa Butuan City at nakatakdang sampahan ng kaso sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Drugs Act of 2002.

Sent from my iPhone

Facebook Comments