Isang taon at siyam na buwang gulang na babae mula Barangay Ilaya, Calapan City, Oriental Mindoro ang pinakabatang kaso ng COVID-19 sa bansa

Ayon kay Oriental Minodoro Gov. Hemerlito Dolor, may travel history sa Alabang, Muntinlupa ang baby mula ika-5 hanggang ika-12 ng Marso bago bumalik ng probinsya.

Dahil napakabata ng pasyente, hiniling niya sa Department of Health (DOH) na muling ipasuri ang specimen ng bata para sa Confirmatory Test.

Isasailalim na rin sa COVID-19 test ang guardians ng bata habang kasalukuyang naka-confined sa ospital ang pasyente.


Nagsasagawa na rin ang pamahalaang panlalawigan ng contact tracing at ang lahat ng kinakailangang protocols para mahanap ang mga nakasalamuha ng bata.

Facebook Comments