ISANG TAON PA ANG HIHINTAYIN | Withdrawal letter ng pilipinas, natanggap na ng ICC

Manila, Philippines – Natanggap na ng International Criminal Court o ICC
ang withdrawal letter ng Pilipinas.

Pero ayon sa ICC, kailangan pang maghintay ng isang taon ang Pilipinas bago
maging pormal na epektibo ang pagkalas ng bansa.

Wala rin anilang epekto ang pagkalas ng Pilipinas sa mga kasong isinampa sa
ICC.


Nilinaw rin ng ICC na ang kanilang preliminary investigation sa reklamong
crimes against humanity laban kay Pangulong Rodrigo Duterte ay unang
hakbang lang para matukoy kung dapat magsagawa ng imbestigasyon.

Tiniyak rin ng ICC na makikipag-ugnayan sila sa bansa bilang pagsunod sa
complementary principle.

Facebook Comments