ISANG TAON PA | Martial Law sa Mindanao, inirekumendang palawigin

Manila, Philippines – Inirekomenda na ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) kay Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ng isang taon ang batas militar sa Mindanao.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Officer-in-Charge Catalino Cuy – ito ay kasunod na rin ng patuloy na banta ng mga teroristang grupo.

Sa pamamagitan ng batas militar, mapapanatili aniya ang suspensyon ng Writ of Habeas Corpus upang mapadali ang pag-aresto sa mga indibibwal na may kinalaman sa mga terorista.


Dagdag pa niya, kasalukuyang ding binabantayan ng militar ang umano’y “tactical alliance” sa pagitan ng Islamic State of Iraq and the Levant (ISIS)-inspired groups at ng rebeldeng New People’s Army (NPA).

Idineklara ng Pangulong Duterte ang Martial Law sa Mindanao noong May 23 kasunod ng pag-atake ng Islamic State of Iraq and the Levant (ISIS)-inspired Maute Terror group sa Marawi city.

Nagtapos ito noong July 22 ngunit pinalawig ng Kongreso hanggang sa katapusan ng taon.

Facebook Comments