Nasunog ang isang bahay sa Mayombo, Dagupan City, bandang alas-2:00 kahapon kung saan nasawi ang isang taong gulang na bata at sugatan ang Nanay nitong buntis.
Ayon sa salaysay ni Liza Victoria Eristengcol, biktima ng sunog, nagpapahinga lamang umano ang mag-anak sa oras na iyon.
Gumamit lamang ng banyo si Liza, ngunit pagbalik nito, nasusunog na ang kisame ng kanilang bahay.
Nag-aalala naman si Liza sa sinapit ng apo at anak nito na agarang sinugod sa ospital.
Hindi naman nadamay ang mga kalapit bahay nito.
Sa pakikipag-ugnayan naman ng IFM News Dagupan sa Bureau of Fire Protection Dagupan, inaalam pa nila kung ano ang pinagmulan ng sunog pati na rin kung magkano ang kabuuang pinsala ng naganap na insidente.
Nananawagan naman si Liza nang tulong para sa pagpapagamot pati na rin sa pagpapaayos ng mga nasirang gamit sa kanilang bahay.
Para sa tulong pwede niyo naman itong ipadala sa GCash: Cherry Lee Eristengcol – 0994 629 0294. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









