Isang taong gulang na bata sa GenSan, patay matapos maipit sa gulong ng tricycle

General Santos City – Dead on arrival ang isang taong gulang na bata matapos na maipit sa gulong ng tricycle sa General Santos City.

Ayon sa ulat, angkas ang bata ng kanyang ina sa tricycle na minamaneho naman ng kanyang ama nang maipit ang nakalaylay na jacket nito sa gulong at kadena ng motor.

Naisugod pa ng kanyang mga magulang ang bata pero binawian din ito ng buhay dahil sa tinamong sugat sa aksidente.


Facebook Comments