Isang taong gulang na batang babae patay matapos masunog dahil sa napabayaang kandila

Masaklap ang sinapit ng isang taong gulang na batang babae ng iitoy masunog mula sa nagliliyab na apoy sa bayan ng Isulan sa lalawigan ng Sultan Kudarat.
Sa salaysay ng tyuhin ng batang biktima na si Ginoong Rio Castro, dakong ala una nitong Huwebes ng hapon nagkakasiyahan ang pamilya dahil may nagdiriwang ng kaarawan sa kanilang pamilya. Sa report ay nagalaw ng bata ang kandilang nasindihan sa loob ng kuwarto hanggang sa itoy lumiyab at siyay napaso . Isinugod pa ang bata sa pagamutan subalit hindi na naisalba ang buhay nito.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments