
Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapatupad ng general amnesty para sa mga hindi nabayarang kontribusyon sa PhilHealth.
Sa ilalim ng amnesty program, bibigyan ng isang taong palugit ang mga employer, may-ari ng negosyo, at mga self-employed na miyembro upang bayaran ang lahat ng hindi naihulog na kontribusyon mula Hulyo 2013 hanggang Disyembre 2024.
Inatasan ng Pangulo ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na agarang ipatupad ang naturang hakbang.
Ayon kay Pangulong Marcos, tinatayang mahigit 300,000 miyembro ang inaasahang makikinabang sa programa.
Bukod dito, magpapatupad din ang pamahalaan ng one-time waiver ng interes sa 2026 para sa mga overdue na kontribusyon.
Layunin ng inisyatiba na mapagaan ang pasanin ng mamamayan sa gastusin sa kalusugan at matulungan silang makasabay sa mga hamon ng pang-araw-araw na buhay.










