Isang taong suspensyon ng premium contributions ng mga miyembro ng Philhealth, irerekomenda ng liderato ng Kamara

Plano ng Kamara na irekomenda na suspendehin sa loob ng isang taon ang pagbabayad ng mga miyembro ng Philhealth ng premium contributions.

Inihayag ito ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sa gitna ng pagbusisi ng Kamara sa kalagayang pananalapi at pamamahala sa pondo ng Philhealth.

Ayon kay Romualdez, isusulong ng Kamara ang one-year suspension ng pagbabayad ng premium payment ng mga miyembro ng Philhealth kung lalabas sa pagdinig na matatag ang sitwasyong pananalapi nito.


Nilinaw rin ni Romualdez na ang pagsilip sa pamamahala sa pondo ng Philhealth ay hindi naglalayon na maghanap ng sisihin.

Diin ni Romualdez, ang kanilang layunin ay upang makapaglatag ng pinakamabisang solusyon na titiyak na ang bawat piso sa budget ng Philhealth ay magagamit sa benepisyo ng mga miyembro nito.

Facebook Comments