Pinag-aaralan ngayon ng isang special team ang magiging susunod na hakbang ng Pilipinas kaugnay sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).
Inihayag ito ni Solicitor General Menardo Guevarra sa budget hearing ng House Committee on Appropriations ukol sa panukalang budget para sa 2024.
Binuo ni Solicitor General Menardo Guevarra ang naturang grupo dalawang linggo na ang nakalilipas na kinabibilangan ng high-caliber solicitors na mayroong matinding sa international law, international public law at arbitration.
Una rito ay ipinanukala ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na maglaan ng 10 milyong piso sa Office of the Solicitor General para sa pagbuo ng isang task force na mag-aaral sa patuloy na paglabag China sa arbitral ruling kaugnay sa tensyon sa WPS.