Isang team ng Quezon City DRRMO, ipinadala sa Bicol para tumulong sa mga sinalanta ng Bagyong Rolly

COURTESY: QUEZON CITY GOVERNMENT

Patungo na ngayon sa Bicol Region ang isang team ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) para tumulong sa paglilinis ng mga lugar na sinalanta ng Bagyong Rolly.

Pinangunahan ni Mr. Mike Marasigan, head ng QCDRRMO ang send off ceremony ng mga kawani nila na magtutungo sa mga lalawigan ng Albay, Camarines Sur at Catanduanes.

Ngunit bago umalis, sumailalim muna sa swab test at body temperature ang tropa ng QCDRRMO para matiyak na negatibo sa COVID-19.


Mismong si Mayor Joy Belmonte ang nagkusa na magpadala ng team sa Bicol para tulungan ang mga residente na makabangon.

Dala ng tropa ng QCDRRMO ang mga kagamitan sa paglilinis at fire truck na may dalang maiinom na tubig.

May dala ring relief goods ang mga ito na ipamimigay sa mga residente na wala pa ring sapat na pagkain dahil sa mga nasira nilang kabuhayan.

Facebook Comments