Isang tech company sa South Korea, tumatanggap ng mga empleyado na may edad 55-anyos pataas bilang protesta sa age discrimination

South Korea – Tampok sa isang technology company ang pagtatanggap lamang ng mga applicants na may edad 55-taong gulang pataas.

Sinimulan ng Ever Young Company ang ganitong hiring process mula noong 2013.

Ayon kay Ever Young Founder, Chung Eunsung – isinagawa nila ito para patunayan na kaya pa ding gawin ng mga senior ang mga ginagawa ng kabataan at mabawasan ang diskriminasyon pagdating sa edad ng pagtratrabaho.


Hinihimok din ng kumpanya ang mga seniors na magkaroon ng kaalaman pagdating sa teknolohiya.

Sa ngayon, mayroon silang mga 420 na empleyado na may edad, 55 hanggang 83 years old.

Facebook Comments