Isang Technical Working Group ng QC-LGU, nakatutok na upang pag-aralan ang pagkontrol sa mga pagbaha sa Quezon City

Nakatutok ngayon ang isang Technical Working Group (TWG) ng Quezon City Local Government Unit (LGU) upang hanapan ng paraan ang problema ng mga pagbaha sa lungsod.

Ayon kay Jose Leo Martillano, head ng Data Management ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), titiyakin ng TWG na makumpleto nang mas maaga ang anim na structural controlled detention basin na nasa ilalim ng 15 drainage project ng LGU.

Aniya, malaki ang naitulong ng mga detention basin sa mabilis na pag-subside ng tubig-baha kapag umuulan sa QC.

Kung dati ay inaabot ng apat na oras ang pagbaha, ngayon ay nasa dalawang oras na ang pag-subside ng tubig-baha.

Kabilang din sa mga paraan ay ang malawakang paglilinis sa lungsod.

Umabot na sa higit 64,000 tonelada ng basura ang nakolekta ng LGU nitong 2025.

Mas marami ito kung ihahambing sa higit 27,000 tonelada ng basura noong Bagyong Carina noong 2024.

Magugunita na noong August 30 floodings sa QC na dulot lamang ng localized thunderstorm, nagbagsak ng ulan na katumbas ng limang araw na pag-ulan sa Metro Manila.

Mas maraming ulan itong naranasan kaysa sa ulan na naitala noong Bagyong Ondoy na naranasan ilang taon na ang nakakaraan.

Facebook Comments