Isang testigo sa kaso ng pagpatay kay Rep. Batocabe, lumutang

Mayroon nang kinakausap na testigo ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa pagpatay kay Ako Bicol Representative Rodel Batocabe.

Ayon kay Chief Inspector Ma. Luisa Calubaguin, tagapagsalita ng Special Investigation Task Group Batocabe, may isang taong nagboluntaryong nagbigay ng impormasyon.

Sabi ni Calubaguin, patuloy nilang pinag-aaralan ang mga kuha ng CCTV sa lugar kung saan napatay ang mambabatas.


Una nang sinabi ng task group na mayroon na silang anim na person of interest na sangkot sa pagpatay kay Batocabe.

Facebook Comments