Thursday, February 5, 2026

ISANG TOP MUNICIPAL AT PROVINCIAL WANTED SUSPECT SA PANGASINAN, TIMBOG SA SAN MANUEL

Isang lalaking kabilang sa mga most wanted sa municipal at provincial level sa Pangasinan ang naaresto sa bayan ng San Manuel sa isang koordinadong operasyon ng pulisya.

Ayon sa ulat, isang 21-anyos na lalaking construction worker at residente ng San Manuel ang dinakip noong Pebrero 4, 2026 sa nasabing bayan.

Ang suspek ay itinuturing na Top 1 Most Wanted sa municipal level at Top 8 sa provincial level kaugnay ng kasong rape, kung saan walang inirekomendang piyansa.

Isinagawa ang pag-aresto sa tulong ng pinagsanib na pwersa ng San Manuel Police Station at iba pang yunit ng kapulisan sa ilalim ng Oplan Manhunt.

Matapos madakip, agad na dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon bago iharap sa korte.

Patuloy naman ang panawagan ng kapulisan sa publiko na makipagtulungan at magbigay ng impormasyon upang mas mapabilis ang pagdakip sa mga wanted na indibidwal at mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa komunidad.

Facebook Comments