Isang trabahador, patay matapos mahulog sa septic tank sa isang mall sa Pasay City

1782

Patay ang isang trabahador nang mahulog ito at malunod sa septic tank sa Mall of Asia (MOA) sa Pasay City kagabi.

Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP) Pasay City Director Fire Superintendent Crossib Cante, nagkaroon ng pagsingaw ng gas sa septic tank dahilan upang mahilo ang isang trabahador at mahulog dito.

Napag-alaman na walang harness ang biktima kasama ang tatlo pang trabahador na naglilinis ng tangke na nakaligtas naman at dinala sa ospital.


Sa ngayon, nakuha na ng mga tauhan ng BFP ang bangkay ng biktimang nahulog sa septic tank.

Facebook Comments