Nangangamba si Ka Obet Martin, President ng Pasang Masda na kung marami pa rin sa hanay ng transportasyon ang aayaw sa consolidation at sa Public Utility Vehicle (PUV) modernization, baka ang gobyerno na mismo o ang mga Local Government Unit (LGU) ang bumili ng mga pampasaherong sasakyan para sa kanilang mga constituents at tuluyan na silang mawalan ng hanapbuhay.
Inihalimbawa dito ni Martin na sa Quezon City (QC) ay malaki ang nawawalang kita sa kanila dahil sa free rides ng lokal na pamahalaan.
Aniya mula sa dating P3,000 na kita ay naging P1,000 na lamang ang kita kada araw ng bawat pampasaherong jeep dahil sa mga libreng sakay ng LGU.
Umaasa ang Pasang Masda na mismong ang mga may ruta sa bawat destinasyon ang ma-subsidize ng mga LGU para hindi sila mawalan ng kita sa mga libreng sakay tulad ng QC.