Isang travel agency sa sangkot sa illegal rectuitment, ipinasara ng DMW

Sa tulong ng Quezon City Police District, tuluyan nang ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) Migrant Workers Protection Bureau ang Tranvia Travel Agency na matatagpuan sa P. Tuazon Blvd. sa Quezon City.

Ayon kay Department of Migrant Workers Officer-In-Charge (DMW OIC) Hans Leo Cacdac, nabunyag ang iligal na operasyon ng travel agency, matapos isumbong ng Filipino community sa Poland sa pag-aalok ng bogus jobs.

Batay sa ulat ng Migrant Workers Office sa Prague, gumagamit ng social media platforms ang travel agency tulad ng Facebook at Whatsapp sa kanilang pangangalap ng job applicants.


Ayon sa ulat, nag ooperate ang Tranvia Travel Agency ng walang kaukulang license mula sa DMW.

Nag-aalok ito ng trabaho tulad ng warehousemen, factory workers, at nurses para sa bansang Poland at makakatanggap ng sahod mula Php 80,000 hanggang Php 100,000 kada buwan.

Bawat applicant ay hinihingan ng mula Php 200,000 hanggang Php 350,000 na processing fee.

Facebook Comments