Tumirik ang isang tren ng Metro Rail Transit (MRT) Line-3 sa Northbound sa kalagitnaan ng Shaw Boulevard at Ortigas Station sa EDSA.
Bandang alas-2:15 ng hapon nang mangyari ang biglang pagpreno ng tren na may may body number 3059-A.
Dahil sa biglaang pagpreno ng tren ay may ilang pasahero ang nasaktan dahil natumba o nabuwal.
Matapos ang ilang minuto, mabagal itong gumalaw patungo sa Ortigas Station kung saan ibinaba na ang mga pasahero.
Ilang minuto ring naapektuhan ang biyahe ng MRT North, dahilan para kumapal ang bilang ng mga commuters sa istasyon ng MRT.
May dumating naman na tren kung saan inilipat ang mga pasahero.
Wala pang paliwanag ang MRT-3 management sa nangyaring biglaang paghinto sa kalagitnaan ng byahe.
Facebook Comments