Isang truck na puno ng asukal, nahulog at dumagan sa isang bahay sa Barangay Bangal Dinalupihan, Bataan

Isang truck na puno ng asukal ang nahulog at dumagan sa isang bahay sa Barangay Bangal Dinalupihan, Bataan pasado alas-tres ngayong hapon.

Ito ang kinumpirma sa RMN News ni Dinalupihan Police Chief Lieutenant Colonel Palaleo Addag.

Sa ngayon ay inaalis ng MDRRMO Rescue Team ang katawan ng naipit na driver ng truck at hinihinalang patay na dahil sa “no signs of life” habang itinakbo na sa ospital ang ilang hindi pa pinangalanang mga sugatan.


Sinasabing nawalan ng preno ang truck kaya’t nagpasya sana itong tumabi sa gilid ng kalsada subalit nahulog ito sa mababang bahagi ng daan at dumagan nga sa isang bahay doon.

Facebook Comments