Isang truck ng export quality na okra, ibinagsak sa isang community pantry sa Pasay City

Isang truck o katumbas ng 500 kilos ng export quality na okra ang tinanggap na donasyon ng Sulong Pasay Community Pantry.

Ayon kay Dyan Azores, organizer ng Sulong Pasay Community Pantry, ipinamahagi na nila kahapon sa limang community pantry sa lungsod ang kahon-kahong mga okra para maipamigay sa mga nangangailangang mga residente.

Ito ay ang Zamora Community Food Pantry, Malibay Community Pantry, Batang EME Community Pantry at Tatak Narra Community Pantry.


Pinangunahan naman ng Batang EME community pantry ang pamamahagi ng mga okra sa siyam na barangay.

Dagdag ni Azores, may natitira pang 150 boxes ng okra at para sa mga interesado, magtungo lang sa Sulong Pasay Community Pantry.

Una na ring idineliver sa Sulong Pasay Community Pantry ang mga donasyong gulay mula sa Baguio city.

Ang Sulong Pasay Community Pantry ay binubuo ng iba’t ibang mga micro enterprises businesses sa lungsod.

Facebook Comments