Isang truck ng mga ebidensya vs flood control projects, dumating sa ICI

95 plastic boxes na naglalaman ng mga ebidensya kaugnay ng maanomalyang flood control projects ang ibinaba ng truck ng PNP Logistics Support Service sa tanggapan ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Taguig City.

Ayon sa PNP, ang naturang mga ebidensya ay inipon muna sa tanggapan ng PNP-CIDG bago dinala sa ICI.

Pinakamarami sa mga ibinabang ebidensya ay mula sa Sorsogon, Albay at Tarlac.

May ilan ding mga dokumento na mula sa Negros Oriental, Southern Leyte, La Union , Manila at San Juan.

Kasama sa mga dokumentong dinala ng PNP sa ICI ang technical validation result sa flood mitigation structure ng St. Timothy Construction sa Zamboanga City.

Facebook Comments