Isang Tsuper, Kritikal sa Pamamaril ng Riding in Tandem!

77

*Burgos, Isabela**- *Kasalukuyan pang pinaghahanap ng mga otoridad ang riding in tandem criminals na bumaril sa isang tricycle driver pasado alas kwatro ng hapon, Enero 31, 2019 partikular sa isang waiteng shed sa Brgy San Antonino, Burgos, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Armando Pescasio, 41 anyos, ma asawa at residente ng Purok 5 Brgy. Caliguian, Burgos, Isabela habang ang mga suspek ay tinutukoy pa ng mga otoridad.


Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), habang hinihintay ng biktima ang anak sa kanyang nakaparadang tricycle sa isang waiteng shed ay bigla na lamang dumating ang mga suspek at pinagbabaril ito ng tatlong beses.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kaliwang bahagi ng leeg, sa kanang dibdib at sa kanang bahagi ng likod ang biktima na isinugod naman sa Isabela Provincial Hospital para sa kanyang karampatang lunas.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP Burgos hinggil sa naturang pamamaril.

Facebook Comments