ISANG TUBONG ALAMINOS PANGASINAN ANG NAGPAMALAS NG KANYANG GALING SA PAGRAMPA SA PAMOSONG EVENT

Mula sa katatapos na New York Fashion 2023, isang idol na tubong Alaminos Pangasinan ang nagpamalas ng kanyang galing sa pagrampa sa pamosong event.
Siya ay si Lexi Austria, suot ang wardrobe ng House of Musa rumampa siya noong February 11, 2023 at ngayon ay gumagawa ng pangalan sa mundo ng modeling at fashion world.
Proud na ibinahagi nito sa kanyang facebook na naitampok rin siya sa isang billboard ng Times Square sa New York City bilang Filipino LGBTQA+ model and advocate.

Ayon kay Lexi, “I’m always happy kasi I’m beginning to put Alaminos in the map in terms of Fashion here in New York”. |ifmnews
Facebook Comments