Ipinanawagan ngayon ng mga residente ang isang tulay sa Barangay Songkoy sa bayan ng Calasiao matapos itong makitaan ng bitak.
Dahil sa takot ng ilang residente na baka umano bumigay ito hindi na umano sila dumadaan sa nasabing tulay.
Dahil dito nagsagawa ang mga barangay council ng inspeksyon kung saan nakita nila na positibong mayroong bitak sa pundasyon ng tulay.
Ayon kay Rolando Mendoza, ang Administrator ng barangay Songkoy, kinakailangan na umano ng rehabilitasyon sa lalong madaling panahon nito upang hindi makaabala sa mga susunod na panahon.
Ayon pa sa kanya, kailangan umano ng pondo para sa agarang rehabilitasyon nito.
Isinangguni na sa awtoridad ang naturang pinangangambahang tulay ng mga residente. |ifmnews
Facebook Comments